Wednesday, March 18, 2009

my first poem for the year 2009

Nag-umpisa sa simpleng usapan na nauwi sa mahabang diskusyunan

Ano nga ba ang pinagmulan ng gulong ito?

Sabi mo, sabi nya..halos di magkamayaw

Ayaw magpatalo

Pareho naman nasa tama,

Pareho ding may mali.

Saan lulugar sa kanya ba o sa iyo?

Sinasali pa ang di dapat isali

Usapang matatanda yan ‘di ba?

Bata pa kami o yun ang tingin sa amin.

Bakit nauwi sa ganito?

Maliit na bagay kay laki na ngayon.

Ang nakaraa’y inungkat.

Hindi ba tapos na iyan?

Sana sa huli di magsisi

Pero sabi nga nila ang pagsisisi ay nasa huli.

Tandaan sana na minsan nagsumpaan,

Sa harapan ng Diyos at ng mga tao,

Sagradong sakramento,

Bakit ngayo’y wala ng saysay?


01/14/09