If you wake up one morning and find you're missing someone
don't look for me,
I have long been gone from your bed, your life
you just didn't notice.
Wrapped up in your own world living in torment
you forgot my hand holding yours,
You sought the darkness when I brought you light,
you craved loneliness even in my company.
You chose not to live with me but without me.
I have gone away to seek the pieces of me that have fallen
along the road when I chose to follow you.
Pieces of me that broke every time you shroud yourself
with the veil of selfishness and forgetfulness.
The pain was worth it or so I thought
for I wished that I could save you from the darkness in you.
And yet it wasn't enough was it?
The things I did was for you and only you
yet you dismissed them as if they're worth nothing.
The plans we built as we whispered into the night
were all for naught since they are now scattered into the wind.
You tortured me with your indifference
your silence, the feigned interest.
How could I go on when you didn't even notice my despair?
I have fallen hard and the pain is just everywhere,
I lied when I said I was strong because I didn't want you to see
the fragile stitches that make the most of me.
One cut and the rest will unravel,
flailing, falling, breaking, dying.
-eamarifosque 121913-
Wednesday, December 18, 2013
Thursday, August 29, 2013
Ang dilim ay patuloy sa pagbalot
ng kanyang mga kamay sa isipang
uhaw sa haplos ng liwanag.
At syang tumutulak sa kanyang bumitiw
sa lahat ng pangarap na nais makamtan.
Dahan dahang hinihigpitan
ang hawak ng dilim sa isipang
unti unti nang nagkakalamat
dala ng hirap ng pahanon.
Dumadami na ang mga linyang
gumagapang sa marupok nyang isipan,
dumudugtong dugtong
hanggang sa naging konektado ang lahat.
At sa muling pag diin ng mga daliri ng dilim,
ay tuluyan ng nabasag ang kanyang manipis na isip,
na syang kumitil sa nalalabing kinang,
sa kanyang kaluluwang lumalaban pa.
-eamarifosque 081313-

Sunday, August 25, 2013
Ikaw ang sinasamba ng mga salitang
sinusulat ng aking panaginip,
at sa bawat pag pikit ng mga matang
ikaw lamang ang nais masilayan
hanggang sa pag tulog iyong imahe
ang syang dadalhin.
Hawak ko ang mga pangakong
minsan mo nang nasambit,
at sila ang gagawin kong tulay
patungo sa iyong tabi
para ibigay sa iyo
ang isang matamis na halik.
-eamarifosque 080513-
sinusulat ng aking panaginip,
at sa bawat pag pikit ng mga matang
ikaw lamang ang nais masilayan
hanggang sa pag tulog iyong imahe
ang syang dadalhin.
Hawak ko ang mga pangakong
minsan mo nang nasambit,
at sila ang gagawin kong tulay
patungo sa iyong tabi
para ibigay sa iyo
ang isang matamis na halik.
-eamarifosque 080513-
Wednesday, August 14, 2013
Wala nang saysay ang mga salitang paulit ulit na binabaybay,
'pagkat bingi na ang mga tenga sa mga pangakong
napako sa kawalan.
Himukin man ng mapanuyong salita wala ng halaga
'pagkat ang pusong dating sabik ngayo'y pilit ng
lumalagay sa tahimik.
Makalimutan lamang ang dulot na sakit
ng mga salitang minsan ng lumabas sa iyong mga labi.
-eamarifosque 080313-

Monday, August 12, 2013
Hanggang saan dadalhin ng mga paang naglalakbay
ang takbo ng iyong isipang puno ng katanungan.
Habang pilit nitong hinahanap ang kasagutan
sa ilalim ng bote ng alak at kinang ng yosing nakasindi.
Nasa bawat buga ba ng usok mula sa mga labing
tila walang kakayahang bumuo ng salita,
ang mga sagot sa mga tanong na dala ng iyong isipan?
Panonoorin mo lamang ba ang usok ng sigarilyo
na umikot at sumayaw sa iyong harapan
hanggang sa tangayin ito ng ihip ng hangin?
-eamarifosque 080113-

Labels:
isipan,
katanungan,
labi,
poetry,
tagalog,
tagalog poem,
tula,
usok,
yosi
Monday, August 5, 2013
Huwag nating hayaan ang agos ng panahon
na tangayin tayo patungo sa kawalan,
at baliin ang mga tulay na ating binuo
kasama ang mga pangarap ng ating mga puso.
Labanan natin ang paggapang ng oras,
hawakan natin ang bawat minutong lumilipas,
bumitaw man ang araw mula sa kalangitan,
aangkinin naman natin ang kadiliman.
Nasa ating mga kamay ang kinabukasang
matagal na nating inaasam-asam,
tayong dalawa ang syang guguhit ng ating landas
kung saan ang ating mga puso ay malayang
magsasama hanggang sa katapusan.
Kukunin natin ang bawat sandaling tayo'y magkasama
at isusulat sa mga pahina ng ating sisimulang buhay,
kahit man ang pait ng ating mga nakaraan
ay may puwang sa kwentong tayo ang may akda.
Dahil ang mga sakit na nadarama noon
ay syang nagdala sa atin kung nasaan tayo ngayon,
magkahawak ang mga kamay at may mga ngiti
sa mga labing nagsasabing atin ang oras na ito.
-emarifosque 072313-

Friday, July 26, 2013
Ipikit ang iyong mga mata,
pakinggan mo ang bulong ng hangin.
Hayaan mong dumampi ang ulan sa iyong pisngi,
pakinggan mo ang bawat pagtibok ng pusong
nakatago sa iyong palad.
Hawakang mabuti at baka ito'y makalipad,
palayo ng palayo hanggang sa maglahong bigla.
Minsan ka ng inibig huwag hayaang masayang,
ang panahong inaalay para lamang sa iyong
kaligayahan.
Lahat ng mga salitang pinagsama sama,
iisa lamang ang temang mababasa.
Pag-ibig na sa iyo'y binigay ng walang alinlangan,
umaasang magtatagal kahit dumaan man
ang araw at gabi at paglipas ng panahon,
pagkat ang pusong hawak mo sa iyong palad,
ay sadyang ginawa para sa iyong kasiyahan.
-eamarifosque 071813-

Subscribe to:
Posts (Atom)